HOW TO SURVIVE COLLEGE: A LASALLIAN SCHOOLBOY EDITION
- DLSL Lasallian School Boy
- Abr 27, 2018
- 3 (na) min nang nabasa
Updated: May 3, 2018
Blog by: Jen Viven Saurez & Keith Vivas
College is indeed stressful. Minor subjects na pamajor, professors mo na sobrang demanding at tingin sa’yo robot na akala mo kara-karaka matatapos mo agad yung requirements na binabato nya, friends mong kilala ka lang pag may kelangan tungkol sa acads, yung D.O na daig pa ang 24 hours CCTV at agad kang sisitahin sa polo mong hindi nakabotones, yung guard na inaabala ka pa sa pagbubukas ng bag mo para sundutin lang nila, yung barkada mong B.I na pinupush kang wag na lang pumasok kasi nakakatamad umattend ng klase, sobrang daming workloads, tuition mo na dinaig ang M.B Building sa taas, yung computer mong nagrestart habang gumagawa ka ng project at hindi mo pa nase-save, at kahit yung pagkaing tinda sa cafeteria pinoproblema mo sa taas ng presyo. Lahat ng yan, epal sa buhay estudyante. Nakakastress din bilang isang schoolboy na daming umeepal sa’yo, kaya bibigyan kita ng tips para makasurvive ka ng college nang hindi sumasakit ulo mo.
Una, magdasal ka. Syempre una lagi si God. Sa Kanya ka kumapit, wag sa patalim hahaha. Pero seryoso ‘tol, humingi ka muna ng guidance at tulong sa Kanya na makatapos ka sap ag-aaral mo. Tambay ka din sa Capilla minsan, para makausap mo si God, hindi para dun mag-review at makipaglandian. Alam mo ‘tol, tanging si God ang nandyan at willing na makinig sa lahat ng hinanaing mo. Daig pa nyan yung Mcdo sa Ayala na 24/7. Sunod, find friends. Yung friends na makakatulong sa’yo, hindi yung makakasagabal sap ag-aaral mo at hihilahin ka pa pababa. It’s a no no pag barkada mo engot na walang pakialam at di na naawa sa mga nagpapa-aral sa kanila. Akala ata nila itinatae lang nung parents nila yung pangtuition nila, wag kang gagaya dun pre.
Tapos, don’t be lazy. Tandaan mo lagi na hindi tinatamad ang mga nagpapa-aral sa’yo, kaya dapat di ka din tinatamad. Umattend ka ‘tol lagi sa klase, alam mo bang may mga prof nap ag lagi kang nasa klase nya, pasado ka na!
Pang-apat, syempre, meet your deadlines. Magpasa ka lang ng requirements mo on time. Time management boy, alamin mo yun, para mapadali buhay mo haha. Syempre kelangan mo din alamin ugali ng mga professors mo, hindi ka dapat palaging petiks. Tandaan mo din na hindi ka lagi mabibigyan ng second chance ng prof mo kahit kasing bait pa yan ng anghel.
Make time for yourself, yan ang pang-lima. Syempre ‘tol, kahit na estudyante ka, you’re also a human, a young individual na kelangan din ng pahinga. Magpakahappy-happy ka din ‘tol. Tambay ka din with your barkada, session ditto, session doon. Give yourself a reward, hindi naman pwede na lagi kang nakakulong sa kwarto at nagsusunog ng kilay. Swimming ka with friends, init kaya ngayon. Alamin mo din yung magagandang lugar na pwede kang mag-chillax.
Sunod, know your priorities. Yes, you can do what you want, pero syempre as a matured guy, kelangan alam mo kung anong uunahin mo at hindi. At dapat inuuna mo ang sarili mo, ang health mo. Kasi kung magkakasakit ka, maapektuhan ang pag-aaral mo and all. Wag mong hayaan na mastress ka din kasi unhealthy yun pre. You also need to sleep and eat on the right time. Tsaka make yourself presentable. Syempre, as a young professional, kelangan marunong kang manumit ng ayos at di yung mukha kang buraot na ready ng itapon sa basurahan.
At huli siguro na maipapayo ko sa’yo e, seek for an inspiration. It can help you a lot, sa kahit anong aspeto ng buhay mo. Kahit idol yan, supportive family and friends mo, si manong guard na lagging bumabati sa’yo ng “good morning” kahit hapon na, yung katabi mo sa klaseng tuloy laway harok pa ang pwet, o yung crush mo lagi mong nakikita sa school nyo. That inspiration will push you hanggang sa makapagtapos ka. Keep in mind na you need to fight and be strong para matapos mo tong lintek na college na to. Isipin mo, may mas maganda kang future kung may nakapatong nadegree sa ulo mo.
Madami talagang hindrance na umeepal bago ka makapagtapos ng kolehiyo. Pero overall, if you will think on a brighter side, sobrang daming mo naming matutunan sa college, hindi lang sa loob ng apat na sulok ng classroom nyo, kundi life lessons na madadala mo hanggang pagtanda. Madaming nangyayari sa loob ng campus, may araw ng nakakaimbyerna, may araw na sobrang saya, may araw din naman na parang binagsakan ka na ng langit at lupa. Pero lahat ng yun madadala mo paglabas mo ng school.
Comments