PALIPAS-ORAS NG MGA POGING LASALYANO
- DLSL Lasallian School Boy
- Abr 18, 2018
- 3 (na) min nang nabasa
Blog by: Jhoven Basco & Jen Viven Saurez

Ano nga ba ang ginagawa ng mga poging lasalyano kapag vacant nila? Pag sinabi kaseng poging lasalyano, yan yung mga walang ginagawang kabulastugan sa vacant nila. Kadalasan silang nagdadasal sa capilla o kaya naman nag grogroup study sa library. Isa yon sa mga katangian ng mga poging lasalyano. Yan ba ginagawa mo sa vacant mo? Kung hindi, pogi ka lang siguro hahahaha.
Madaming matatambayan sa loob ng campus kung mabilis lang ang vacant mo o kaya tinatamad kang lumabas. Sa capilla? Meron naman talagang tumatambay dun pag katropa niya si God, o kaya yung mga magsyota na naguusap ng masinsinan, ewan ko ba ba
t ang hilig nilang dun magusap at magaral. May lasallian boys din na tumatambay sa library, bakit? Tumatakas ng pagtulog kasi malakas aircon sa LRC. Sa halos lahat ng sulok ng campus, may makikita ka naming tambay na mga lalaking estudyante. Pero pinakamalupet, dun sa may tindahan papuntang Sports Complex! May parang carinderia kasi dun na may nagtitindang yosi. Kaya madalas na makikita mo dun, yosi boys haha.
Yung mga nerdy na lasallian boys, madalas yan sa library, sa room na walang klase, south at north lounge, o sa may Diokno bldg., ano pa, edi nagrereview, walang katapusang pagaaral at pagsasaulo ng mga lessons. Minsan nga pag alamat ka na sa kasipagan, nagaadvance reading ka na din.

Yung mga lover boys naman, o yung mga poging lasalyanong may syota, syempre matic nap ag vacant, sa girlfriend ang takbo nyan. Kaya madalas nasa may lovers’ lane sila. Minsan lumalas sila ng campus kasi di sila makakapagPDA sa loob ng school kasi baka mahuli sila ng D.O kaya dumadayo sila sa Robinsons o SM.
May mga lalaki pa din naman active sa physical activities kaya minsan sa vacant nila, pumupunta sila sentrum o centen para magbasketball. Meron din tumatambay sa oval para matulog kasi maaliwalas dun at masarap ang hangin.
Pero para sa mga student leaders natin na lalaki, iisa lang ang tambayan nila. SC o Student Center, nandito kasi yung mga office ng organizations, dito busy ang mga papi. Kaya naman sa baba na lang sila ng SC kumakain. Masarap din namang tumambay dun kasi may place na pwede kang matulog. Kaya pag stress na sila, tulog na lang hahaha.
Pag wala naman sa mga nasabing lugar ang mga poging lasalyano, kadalasan silang matatagpuan sa mga kubo sa Jolly Mae o kaya naman sa I foods. Pag tag-tipid, dun sila kumakain. Pag medyo sosyal, sa Robinsons o Mcdo Laurel sila kumakain o sa SB tumatambay. Pero bilang lalaki, hindi naman sila maarte sa pagkain, kaya madalas tagal sa tapat lang sila ng school tumatambay. Isa pa, maaliwalas sa mga lugar na yon at pwede silang tumambay don kahit anong oras.
Magaling din mag adik ang mga poging lasalyano, hindi sa droga o alak kundi sa mga laro sa computer, madalas nilang laruan ang mga computer shops katulad ng Iwarz, TNC at 02. Sari sari ang mga larong kanilang pinagkakalibangan, League of Legends, Counterstrike, Defense of the Ancients 2, Playerunknown’s Battlegrounds, at marami pang iba. Lagi mo silang makikita rito kapag gusto nilang maglibang at magpalipas oras.

Dati madami kang makakakita ng mga poging lasalyanong sa may 7/11, dun sa tapat mismo ng school. Dun kasi yung common na yosi zone, pero simula nung pinagbawal nang magyosi in public, wala na masyadong tumatambay dun.
Wala nang mas sasaya pa kesa sa makatambayan mo ang mga kapwa mo poging lasalyano , maraming pwedeng tambayan ang mga poging laslyano pero pinakasikat talaga ang tumambay sa dorm ng kaklase mo. Sa dorm kasi, lalo na sa Reyman’s, para kayong nakawala sa kural. Mararamdaman mo talaga ang freedom ng pagiging kolehiyo. Dito kayo pwede mag jamming, matulog, kulitan, kwentuhan, maglaro ng baraha, mag group study, mag linis, at mag dasal. Naks, magdasal. Pero seryoso, dito, ang daming ganap ng lasallian boys.
Sa maiksing oras, sa mga lugar na yan, dyan nagga-gain ng moments ang mga poging lasalyano, simula sa mga away, katakawan, galit, inis, stress sa acads, break-ups ng syota na sasagutin ng session ng tropa, jamming, nakakaiyak, hanggang sa masasayang bagay na madadala nila hanggang pagtanda. Na kahit sa vacant nila, madami pa din silang natutunang life lessons na pwede pa nilang i-share at ipa-experience sa iba.
Comments