TAMBAYAN SPOTS IN LASALLE
- DLSL Lasallian School Boy
- Abr 13, 2018
- 2 (na) min nang nabasa
Updated: Abr 28, 2018
Blog by: Jhoven Basco & KEITH VIVAS

Siguro naman lahat tayo ay mahilig sa pagtambay lalong lalo na pag vacant. Sino nga ba ang hindi matutuwa sa mga tambayang may malalambot na upuan, malamig na hangin at magagandang pangitain. Sa mga tambayang ito madalas nangyayari ang mga usapan patungkol sa buhay, sa lovelife at iba pa. Marami ring kulitan at asaran na kadalasang nauuwi sa pagsita o pagkahuli ng D.O. Pero sa aking palagay, sa mga tambayan kadalasang nabubuo ang totoong pagkakaibigan o kaya naman pagkaka-ibigan kaya naman eto ang listahan ng mga tambayan spots sa La Salle.
Ang unang tambayan na trip namin noon ay ang oval. Dahil sa malakas ngunit malamig na hangin na dumadampi sa balat ay talagang isa itong masarap na tambayan. Makakapaglaro kami ditto ng sambutan ng bola, o kaya naman ay hihiram ng volleyball at maglalaro, o kaya naman ay magrerelax lamang sa ilalim ng lilim ng puno kung kaya’t ito ay nasa aking listahan.
Ang sunod naman ay roofdeck, minsan ay may dumaraan din na malamig na hangin dito kaya naman masarap na tambayan rin ito. Dito ay pwede kayoing mag practice ng sayaw para sa aerobics o kaya naman makipagkulitan nalang sa mga kaklase. Paalala lang na madalas nakakasilaw ang langit sa roofdeck kaya kayo na ang bahala kung anong gusto nyong gawin dito.

Kung ang trip nyo naman ay mag gawa ng assignments o kaya naman projects at gusto nyo rin na tumambay ay pwedeng pwede kayo sa north, lounge south lounge, villas, at yung malapit sa I.T. Domain. Dito ay pwede kayong mag diskosyunan ng mga gawain sa mga subjects nyo kahit pa gaanong kalakas ang boses nyo. Paalala lang na meron ding ibang nag- aaral dito kaya chill lang kayo.

Maiba naman tayo, kung tahimik na tambayan ang hanap nyo, pwedeng pwede tayo sa capilla. Dito hindi mo kailangan ng maraming kasama, tawanan o foods. Minsan kelangan din nating makatambayan si God para naman marefresh mga utak natin. masarap din naman magrelax dito kase tahimik, comportable at maaliwalas din sa pakiramdam kaya pwedeng pwede to pagkatapos ng isang pagkahaba habang araw na puno ng stress.

Kung ikaw naman init na init na, at gustong tumambay sa tahimik na lugar na kung saan ikaw ay gustong matulog ay tamang tama ang LRC Library para sa’yo. Dito pwede kang matulog ngunit wag magpapahuli dahil sisitahin ka ng staff, pwede ka din dito magpalamig habang nakatambay at nakikinig ng music kung trip n’yo ang chill vibes, at higit sa lahat pwedeng pwede ka dito magbasa ng mga libro na makakatulong sa subjects mo lalo na kung ikaw ay nagthethesis na.
Comments