top of page

WHAT DIGITAL CAMPUS IS LIKE IN DE LA SALLE LIPA

  • Larawan ng writer: DLSL Lasallian School Boy
    DLSL Lasallian School Boy
  • Abr 9, 2018
  • 3 (na) min nang nabasa

Blog by: Aren Panganiban & Jen Viven Saurez


https://www.google.com.ph/search?dcr=0&biw=1707&bih=762&tbm=isch&sa=1&ei=CUXKWoX6DIK00gSQ94bwCQ&q=dlsl+digital+campus&oq=dlsl+digita&gs_l=psy-ab.3.0.0i24k1.238061.241234.0.242776.6.4.0.2.2.0.125.400.2j2.4.0….0…1c.1.64.psy-ab..0.6.398…0i13k1.0.SQ4XM_8Mm_g#imgrc=wvqK-dL5RYzedM:

High-tech bang pagtuturo kamo? De La Salle Lipa lang meron nyan ‘tol! Alam mo kung bakit? Digital campus na kasi ang De La Salle Lipa. Naku pre, ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo, astig to! Pabor kasi to sa mga estudyanteng may kasipagang umabsent. Dito kasi, kasi nasan kang lupalop na lugar, basta may access ka sa internet, oks na!

Wi-Fi! Malaking pagbabago sa internet access sa loob ng campus. Kung dati, kelangan mo pang makipagplastikan na nag-aaral ka sa may I.T Domain para makaconnect ka sa Wi-Fi, ngayon, susme, internet na ang hahabol sa’yo sa bilis. Siguradong dadayo ka na sa school ng pagdadownload ng mga kanta at movies na trip mo. Sa wakas, sulit na yung ibabayad mo sa internet fee na pagkamahal mahal, daig pang naka-PLDT Fibr ka sa bahay nyo.

Yung bagong president, si Br. Dante Jose R. Amisola FSC, may pagimik. Ito nga yun, ang dakilang CANVAS, o kung ittranslate natin sa lenggwahe ng lozol ay LMS o DLSL’s learning management system. Ito ang nagsisilbing classroom online, kung saan pwede kang magpasa ng mga requirements mo.

Sa ngayon, di pa ganoong kapamilyar ang mga estudyante sa LMS, kahit mga professors. May pagkakabute din kasi tong Canvas, at bigla bigla na lang lumilitaw. Kaya ngayon, ang Canvas ay naguundergo pa sa process kung saan ipinapaalam pa ng administration ang tamang pag-gamit nito. Nagkakaroon pa ng mga seminar para sa teachers para ituro nga LMS.


http://www.dlsl.edu.ph/edutech-workshop-for-dlsl-lps-conducted/

Kung tutuusin, may magaganda naman talagang naidudulot ng Canvas sa mga estudyante. Kung dati, kelangan mo pa magaksaya ng pera pamasahe papuntang school para lang magpasa sa prof mong napakademanding, ngayon, kahit nasa bahay ka lang, makakapagpasa ka na ng school works mo. Nagtuturo din ang LMS ng pagmeet natin ng dealines, may mga school works kasi na nilalagyan ng prof ng deadline, na once na tapos na yung pasahan, di ka na talag makakapagpasa kasi nakalock o di mo na maaaccess.

Hindi lang pagpapasa ng requirements ang sakop nito, sa Canvas din nagchcheck ng attendance, o kaya dun nagpapaquiz o activity si miss/sir. Minsan nga dun na din yung exam e, kaso nakakapressure, kasi may time limit. Dito, naiiwasan din ang cheating kasi bukod sa may time limit, narerecord pa nito yung mga ibang page na binabrowse mo habang na qquiz o exam ka. Sa Canvas din, malalaman mo agad kung papasa ka o mas magaling pang magdrop ka na, kasi instant makikita mo yung grades mo kasi matic na cinocompute na yung narerecord mong grades.

Pero, hindi lang naman sa Canvas umiikot ang usapan sa pagiging digital campus na DLSL. Kung tutuusin, ang Canvas ay first step pa lamang. Meron na din kasing pakulo sa LRC o library, pwede mo na kasi maaccess ang lahat ng paper works ng De La Salle Lipa, tulad ng mga thesis, journals, at iba, online. Oh diba, san ka pa.

Tsaka nga pala, may makikita ka nang pagkalaki laking solar panel sa harap ng Cbeam building. At sa wakas, ang minimithi nating AIRCON!

Isa pa, may bagong I.D ngayon ang Lasallian students kung saan pwede kang maglagay ng pera mo pangbayad ng tuition, o pambili ng kahit na ano sa loob ng campus. Sa pagkakaalam ko, isusunod na din dito ang paggamit nung Next Plus ID sa pagaattendance. Naku ‘tol, mahirap na pag naabutan mo yun, wala kang lusot, di ka na pwedeng makisuyo na lang sa kaklase mong doctor na pipirma ng pangalan mo sa attendance sheet.


https://www.google.com.ph/search?q=dlsl+next+plus+id&dcr=0&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwithK-UjKvaAhVDJ5QKHdv9DtQQ_AUICygC&biw=1707&bih=762&dpr=1.13#imgrc=_Tkngl_mwlRGCM:

Pero sumakatutal, sa panahong handing handa na ang De La Salle Lipa sa pagiging Digital Campus, alam naman natin na maganda ang maidudulot nito sa bawat isa.


https://www.google.com.ph/search?dcr=0&biw=1707&bih=762&tbm=isch&sa=1&ei=CUXKWoX6DIK00gSQ94bwCQ&q=dlsl+digital+campus&oq=dlsl+digita&gs_l=psy-ab.3.0.0i24k1.238061.241234.0.242776.6.4.0.2.2.0.125.400.2j2.4.0….0…1c.1.64.psy-ab..0.6.398…0i13k1.0.SQ4XM_8Mm_g#imgdii=GN50kvS-g8QaNM:&imgrc=wvqK-dL5RYzedM:

Comentarios


Join our mailing list

Huwag magpalampas ng update

  • White Facebook Icon
  • White Instagram Icon
  • White Pinterest Icon
  • White Twitter Icon
  • White YouTube Icon

© 2018 by DLSL Lasallian School Boy. Proudly created with Wix.com

bottom of page